WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Rivero ekis sa PBA Draft

MUKHANG ayaw pang maglaro sa PBA ni UP star Ricci Rivero.

Wala ang pangalan ng 6-foot-1 slasher sa mga humabol sa deadline ng submission ng application sa league office nitong Sabado.

Nasa UAAP 84 men’s basketball finals ang Fighting Maroons, naisahan pa ang top seed Ateneo 81-74 sa opener nitong Linggo.

Umabot sa 75 ang pagpipilian sa 2022 PBA draft sa May 15 sa Robinsons Place-Manila.

May usap-usapan na may ilang teams sa mga liga overseas ang interesado kay Rivero.

Wala rin sa mga humabol ang dating pambato rin ng Maroons na si Juan Gomez de Liano.

Nasa Japan B.League si GDL, naglalaro para sa Earthfriends Tokyo Z.

Nag-apply sa draft ang kapatin Juan GDL na si Javi na galing din Japan B.League. (VE)