WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Bangis dadalhin ni Avery sa ‘Pinas

SUMUBOK pa rin na mag-apply sa 2022 PBA Draft si Fil-Am Avery Scharer kahit edad 35 na, beterano ng mga liga sa Asia, nakapaglaro na sa ASEAN Basketball League, sa Thailand, Malaysia at Mongolia.

Hindi pa sigurado kung pagbibigyan ng PBA si Scharer dahil sa rule na hanggang 30 lang ang age limit para sa Fil-foreigners, dati nang nag-apply ang 6-foot-2 guard sa liga pero kinulang ng dokumento mula Bureau of Immigration at DOJ.

Ngayong season ay nagluwag ang PBA, tanging Philippine passport na lang ang hinihingi sa mga Fil-foreigner.

Tubong Bauang, La Union ang ina ni Scharer, produkto ng Shoreline Community College sa Washington, sa May 15 ang Draft sa Robinsons Place-Manila. (VE)