WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Legarda kampeon ng edukasyon, pagbibigay hustisya

Puring-puri ng dalawang opisyal ng gobyerno si senatorial candidate Loren Legarda sa kanyang kontribusyon sa pagbibigay ng libreng matrikula sa kolehiyo at legal na tulong sa milyong mga Pilipino.

Binansagan ni Commission of Higher Education (CHED) chairman Prof. Popoy de Vera na ‘champion of education’.

“Many do not know that even before the passage of RA 10931 (Universal Access to Quality Education Law), [then] Senator Loren as Chair of the Senate Committee on Finance was able to realign P8-billion to CHED in the 2017 GAA so 800,000 students in 112 SUCs (State Colleges and Universities) no longer pay tuition and miscellaneous fees,” sabi ni de Vera.

Ayon pa sa CHED chairman nang maging batas ang RA 10931, nakipagtulungan si Legarda kay dating House Committee on Appropriations Chair Karlo Nograles na maghanap ng P40 bilyon para sa pagpapatupad ng naturang batas noong 2018.

“Now, 1.6 million students no longer pay for tuition and miscellaneous fees in more than 200 universities. Another 500,000 get the Tertiary Education Subsidy,” sabi ni de Vera sa kanyang post sa Facebook.

Sa panig naman ni Public Attorneys Office (PAO) chief Persida Acosta, binigyan nito ng kredito si Legarda dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta sa pagbibigay ng hustisya lalo sa pagdepensa ng mga kaso ng mga mahihirap.

“Kahit kailanman hindi nabawasan ang budget ng PAO noong Senate Chairman ng Committee on Finance si [former] Senator Loren,” ani Acosta.

Bukod sa edukasyon at hustisya, ilan sa mga platapormang isinusulong ni Legarda ay may kinalaman sa environmental protection, climate change adaptation, jobs and livelihood creation at promotion of arts, culture and small and medium enterprises. (Dindo Matining)