Mga bebot sa Afghanistan, bawal i-display mukha

Nagbanta ang Taliban government sa Afghanistan na ikukulong at tatanggalin sa trabaho ang ama at mga kaanak na lalaki ng mga kababaihan sa nasabing bansa na mahuhuling walang takip ang mukha habang nasa labas ng kanilang tahanan.

Todas sa gas leak, 26 na

Umakyat na sa 26 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa isang hotel dahil umano sa pagtagas ng gas sa Havana, Cuba noong Biyernes.

AFP: propesyonalismo, non-partisanhip dapat panatilihin

Pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Andres Centino ang lahat ng tauhan ng militar na panatilihin ang pagiging propesyonal at non-partisan habang isinasagawa ang kanilang mga tungkulin ngayong araw ng halalan.

Panelo nagpasalamat sa endorso ng El Shaddai

Nasungkit ni PDP Laban Senatorial candidate Salvador ‘Sal Panalo’ Panelo ang suporta ng El Shaddai sa kanyang kandidatura kamakalawa (Mayo 7, Sabado).

5 pasaway nasampulan sa liquor ban

Nalambat ng Pasig City Police ang limang pasaway umano sa liquor ban ng Omnibus Election Code nang maaktuhan silang nag-iinuman sa Brgy. Maybunga, Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Kelot tumimbuwang sa utang

Dedbol ang isang magsasaka makaraang taniman ito ng bala ng baril sa katawan ng kanya umanong pinagkakautangan sa San Antonio, Quezon noong Sabado.

33K PDL boboto ngayong araw

Umaabot sa 33,409 Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penolo­gy (BJMP) ang boboto para pumili ng susunod na mga lider ng bansa ngayong araw.

25 haybol natupok sa kandila

Nasa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Brgy. Sucat sa Muntinlupa kahapon ng madaling-araw.