WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Aplikasyon sa Rookie Draft hanggang Mayo 7

NGAYONG araw, May 7, ang deadline ng submission ng application para sa 2022 PBA Draft.

Iniurong ng liga ang deadline para ma-accomodate ang senior players ng UAAP na matatapos na ang termino sa kani-kanilang eskuwelahan at nagbabalak umakyat sa pros.

Natapos sa do-or-die match ng UP at La Salle kahapon, Biyernes, ang Final Four ng UAAP Season 84.

Aakyat sa championship round ang nanalo para harapin ang four peat-seeking Ateneo.

Tapos na ang collegiate years nina Shaun Ildefonso ng NU, Jerrick Villanueva at Jem Cruz ng UE, Keith Zaldivar at Tricky Peromingan ng Adamson, Joshua Fontanilla ng UST, Aevin Coquia, Jason Li at Brandrey Bienes ng FEU.

Graduating players ng Maroons sina Ricci Rivero at Noah Webb, at sina Justine Baltazar at Kurt Lojera ng Green Archers. (VE)