WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Lagon sabungero pero nagsesserbisyo

MARAMING bigtime sabungero ang naging matagumpay sa buhay at para makamit ito ay kinakailangan na mahusay at magaling kang dumiskarte sa pag-budget ng oras.

Kailangan balanse ang kanilang prayoridad sa farm management, sa pamilya at sa trabaho o negosyo.

Isa na rito si Sonny Lagon na first nominee ng “Ako Bisaya” partylist.

Ayon sa mga veteran sabungero, ang susi ng tagumpay sa pagsasabong ay ang pagkakaroon ng maayos na pamamalakad sa farm, dapat palaging malinis ang kapaligiran, maayos na pag-aalaga hindi lang sa mga manok panabong pati ang mga taong nagtatrabaho sa iyo.

Kaya naman muling sasabak sa politika si Lagon upang magbigay ng magandang serbisyo sa bayan at makatulong sa mga nangangailangan.

Gamit ang entry name “Blue Blade”, kilalang mahusay na breeder si Lagon, marami nang napagkampeonan na derby, isa na rito ang prestihiyosong World Slasher Cup International Derby.

Maliban kay Lagon, sasabak din si Ret. Judge Felix Reyes sa politika, first nominee rin ng “Kabalikat” partylist.

Ilan pa sa mga kilalang breeder na sasabak sa May 9 elections sina RJ Mea at Bernie Tacoy ng BGT Ormoc Golden Warriors GameFarm,
tatakbong mayor ng Matag-ob, Leyte si Tacoy habang sa Tiaong, Quezon naman si Mea. (Elech Dawa)