WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Kaya ‘di makita bangkay! 30 missing sabungero sinunog- Digong

Malaki ang hinala ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinatay at sinunog ang mga nawawalang sabungero kaya hanggang ngayon ay walang makitang bangkay ng mga ito.

Inihayag ito ng pa­ngulo sa kanyang pagdalo sa isang aktibidad sa San Fernando, Pampanga nitong araw ng Linggo.

Ayon sa pangulo, may duda itong tuluyang pinatahimik ang mahigit 30 sabungero na unang napaulat na nawawala noong mga huling buwan ng 2021.

“Saan na ‘yong nawala? Well, hindi na nakita. What is my suspicion? Sinunog ‘yong mga katawan non,” anang pa­ngulo.

Posible aniyang may mga pulis na sabit sa pagkawala ng mga sabungero dahil may mga naka-identify sa mga ito.

Sinabi ng presidente na hindi niya nilalahat ang mga pulis subalit may mga ilan na ang estilo ay pumasok sa mga bahay at mangidnap ng kanilang target.

“‘Yong pulis, hindi naman lahat, kakaunti ang ‘yan sila. ‘Yan sa e-sabong ngayon may mga pulis na sabit kasi identified sila. Bakit pulis? Eh sila lang man ‘yong law enforcement, sila lang ang makapasok ng ganoon na istilo. Iyang magpasok ng bahay, magkidnap harap-harapan tapos wala na,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping)