WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

36 sabungero dinampot sa Cavite

BINITBIT ng Cavite police ang 36 ma sabungero matapos silang maaktuhan habang tumatalpak sa mga tupada sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Cavite noong Linggo.

Ikinasa ng Cavite Police Provincial Police Office (PPO) ang anti-illegal gambling operation sa pagitan ng alas-12:30 ng tanghali hanggang alas-singko ng hapon noong Linggo sa tatlong lungsod sa Cavite.

Sa Trece Martires City, tatlong sabungero ang dinakip sa Golden Horizon, Brgy. Hugo Perez at narekober sa lugar ang isang panabong na manok, dalawang tari at P1,200.00 na pusta.

Kinalawit naman ang 14 na sabungero sa Brgy. Paliparan 3 sa Dasmariñas City at narekober dito ang apat na panabong, apat na tari at P2,940.00 na pusta.

Sa Brgy. Queensrow West at Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City naman nadakma ang 19 na sabungero at narekober dito ang limang panabong na manok, tatlong tari at P8,500 na pusta.

Pinaigting ng pulisya ang kampanya laban sa illegal gambling bilang tugon sa sumbong ng pamilya ng mga sabungero ng pagkahumaling ng mga ito sa sabong. (Gene Adsuara)