WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Kasal na ba sila? Jeremy pinoy na — Pia

Kaabang-abang kung mapipilit, at magtatagumpay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na pakainin ng ‘balut’ si Jeremy Jauncey.

Sa Instagram post kasi ni Pia ay nag-comment si Jeremy na super excited siyang makabalik ng Pilipinas.

“It’s been four years…finally coming back to Manila…” sabi ni Jeremy, kasunod ang pasalamat sa airlines na sinakyan nila ni Pia.

Mabilis naman na nag-comment si Pia, na pinaghahandaan na raw niyang pakainin ng balut si Jeremy.

“Welcome to your 2nd home. We’re adopting you. You’re a Pinoy now. Get ready to eat some balut, hahaha!” sabi ni Pia.

Ang paniniwala ng iba, kapag ang isang foreigner ay naging ‘Pinoy’ na, ibig sabihin noon, kinasal siya sa isang Filipino? Ganun ba `yon?

Chika lang naman ‘yan ng mga humu-hopia na sana nga ay kasal na ang dalawa. Para malaya na ring tumira si Jeremy sa Pilipinas.

Anyway, malalaman natin kung kakayanin ni Jeremy ang pagkain ng balut, na isa sa mga itinuturing na “disgusting” delicacy sa buong mundo.

Wala pang reaksyon si Jeremy o comment sa paghahamon na ito ni Pia, na ikinababahala ng marami na kapag iginiit ito ng beauty queen ay maaring maging dahilan daw ng kanilang ‘hiwalayan’.

Talaga ba? Siyempre, joke lang `yon. (Rey Pumaloy)