WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Ronaldo binalibag cellphone ng paslit

NAIPIT ngayon sa kontrobersiya si football star Cristiano Ronaldo.

Ito ay bunsod na rin sa paghampas niya sa cellphone ng isa niyang tagasuportang bata matapos matalo ang team niyang Manchester United kontra sa Everton nitong Linggo.

Kumalat kasi sa Twitter na habang paika-ikang naglalakad papuntang locker room si Ronaldo ay tila nabuwisit ito nang dikitan ng isang batang fan na may hawak na cellphone at walang sabi-sabing hinambalos ng 37-anyos na sikat na footballer.

Humingi naman agad ng paumanhin ang Portuguese athlete at sinabing nadala lang ito ng emosyon matapos ma-olats sa kalabang Everton.

“I would like to apologize for my outburst,” sey nito sa kanyang Instagram sabay kambyo na “and, if possible, I would like to invite this supporter to watch a game at Old Trafford as a sign of fair-play and sportsmanship.”

Aniya pa, “it’s never easy to deal with emotions in difficult moments such as the one we are facing.” (Aivan Episcope)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on