WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Kapangalan ng presidentiable arestado sa dinedbol na sundalo

Arestado ang kapangalan ng isang kandidato sa pagka-pangulo para sa halalan sa Mayo 9 makaraang mapatay umano nito sa saksak ang kainuman na retiradong sundalo sa Talavera, Nueva Ecija noong Sabado.

Sasampahan ng kasong homicide ang suspek na si Ernesto Abella, 67-anyos at residente ng Purok 6, Brgy. Bakal 1, Talavera, Nueva Ecija matapos umano nitong pagsasaksakin sa dibdib hanggang sa mapatay ang biktimang si Juanito Tejada Sr., 73-anyos at retiradong miyembro ng Philippine Army (PA).

Sa pagsisiyasat ni P/SSg. Marpaul C. Dulay, nag-iinuman ang dalawa nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mga ito bandang alas-otso ng gabi.

Nakakuha umano ng patalim si Abella at inun­dayan ng mga saksak sa dibdib ang kapitbahay. Isinugod ito sa Talavera General Hospital pero hindi na umabot ng buhay.

Samantala, tulala pa umano ang suspek nang madakip ito ng mga awtoridad sa loob ng kanilang bahay. (Jojo de Guzman)