WebClick Tracer

Wednesday, March 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Pete sinukbit OPBF crown

PINATULOG ni orthodox Pete Apolinar si Jhunriel Ramonal sa 10th round para kunin ang bakanteng Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) super bantamweight title nitong Sabado sa Flash Grand Ballroom sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City.

Nagpakawala si ‘Thunder’ Apolinar ng uppercut kasabay pa ng left hook na naging dahilan para mapatumba sa canvas si Ramonal sa ika-1:47 marka ng 10th round.

“Upper cut tapos finishing hook po, tapos hindi na po nakatayo si Ramonal,” pahayag ni 26-anyos Apolinar.

“Actually it’s my first time to fight in a super bantamweight. It’s okay for me to lose weight and make some adjustments.”

Ikinatuwa naman ng kampo ni Apolinar ang pasiklab na performance ng boksingero.

Hawak na ngayon ng tubong San Pablo-fighter ang 16-2 record na may 10 knockouts habang ang tinalo niyang si Ramonal ay nakamit ang ika-10 talo sa loob ng 33 upakan. (Aivan Episcope)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on