WebClick Tracer

Wednesday, March 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Jokic pinadilim baraha ng Lakers

NAGDELIBER si Nikola Jokic ng 38 points, 18 rebounds at 6 assists at ibinaon ng Denver ang LeBron James-less Lakers 129-118 Linggo ng gabi sa Los Angeles.

No. 5 na sa West ang Nuggets (47-32), humugot pa ng 25 markers kay Will Barton at 24 points, 8 rebounds kay Aaron Gordon.

Kalahating laro sa likod ang Jazz (46-32).

Itinodo ng Denver ang tapak sa silinyador sa fourth quarter para ekisan ang panalo.

Lumabo pa ang tsansa ng Lakers (31-47) kahit sa play-in, dahil dumistansiya pa ang 10th placer Spurs (33-45) pagkatapos ng 113-92 win sa Trail Blazers.

Hindi naglaro si James para ipahinga ang sprained left ankle.

Nagsumite si Anthony Davis ng 28 points, 9 rebounds at 8 assists sa pangalawang laro mula six-week absence dahil sa injury.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 27 points, 17 kay Carmelo Anthony. (VE)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on