WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

DTI plantsado na bibigyan ng tax incentive

Natapos na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga sektor na bibigyan ng tax incentive sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda sinabihan siya ng DTI na isusumite ang listahan o ang Strategic Investment Priorities Plan (SIPP) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng CREATE Law na inakda ni Salceda bibigyan ang mga investor sa high-tech at high-value sector ng mas malaking tax incentive upang pumasok ang mga ito sa bansa.

Noong Disyembre ay kinausap ni Salceda ang mga opisyal ng DTI upang bilisan ang pagpapalabas ng listahan. (Billy Begas)