Comelec kasado na sa absentee voting

HANDA na ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-arangkada ng absentee voting para sa mga overseas at local absentee voters kaugnay sa idaraos na 2022 national at local elections sa Mayo 9.

Unemployment insurance isusulong sa Senado

UPANG matulungan ang libo-libong manggagawang nawawalan ng trabaho dahil sa pandemya o kalamidad, sinabi ni dating Senador Jinggoy Estrada na isusulong niya ang tinatawag na unemployment insurance sakaling makabalik sa Senado.

P3.4M shabu nasungkit, HVT nakalawit

NASAMSAM ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa umano’y high value target (HVT) na pusher sa isang condominium sa Malate, Maynila.

Hindi makabayad sa utang, tenant nabuang

KRITIKAL ang isang kasera matapos umano itong burdahan ng saksak ng kanyang tenant na nagalit sa paniningil ng una sa utang nito sa renta ng kanyang bahay sa Navotas City kahapon ng hatinggabi.

114 lugar pasok sa election hotspot

MAY kabuuang 114 lugar sa bansa na kinabibilangan ng 100 bayan at 14 lungsod ang inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa red category ngayong Eleksiyon 2022.

MMDA ilalaban sinuntok na traffic enforcer

TINIYAK kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na hindi niya palalagpasin ang ginawang panununtok sa mukha ng isang motorista sa kanilang traffic enforcer matapos itong tikitan ng huli dahil sa pag­labag sa batas-trapiko sa Pasig City noong Abril 1.

LandBank pautang scam sumingaw

Pinaiimbestigahan ni ACT-CIS Party-list Rep. Rowena Niña Taduran sa Kamara ang nasilip na iregularidad sa Land Bank of the Philippines (LBP) na may kinalaman sa pagpapautang.