WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Gabbi, Khalil nagpakonsulta sa psychiatrist

Puno ng misteryo ang unang primetime series ng GabLil couple na “Love You Stranger”!

Last Friday (March 25), pinasilip ng Kapuso Network ang teaser ng upcoming GMA Public Affairs mystery romance series na pagbibidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos kung saan ay may makikitang mga anino or shadow figure sa kakahuyan.

Say ng mga netizen, nakaka-intriga ang teaser.

Syempre pa, hindi na magkanda-umayaw ang GabLil fans na matagal nang inaantay ang pag ere ng seryeng ito. Bukod sa impressive na animation, dapat ding tutukan ng viewers ang konsepto ng “story within a story” ng nasabing serye at ang pagtalakay nito sa mental health.

“Madaming mafi-feel sa ‘Love You Stranger,’ bukod sa romantic ito, mayroong mysterious side at thriller at angle towards mental health,” sabi ni Gabbi sa 24 Oras.

Kaya naman daw naging maingat ang production team sa paglatag ng storya.

“Before mag-start ang taping, pinaka-consult muna kami sa psychiatrist. Hindi basta-basta lang, they made sure we were responsible enough to tackle the topic,” dagdag pa niya.

Halos 50 days sa lock-in taping ang GabLil, at ito na nga raw ang pinakamatagal na panahon na nawalay sila sa kanilang pamilya. Ito na rin daw ang pinakamatagal nilang pagsasama para sa isang project. “Marami kaming natutunan, hindi lang tungkol sa sarili namin, hindi lang sa relationship namin. Marami kaming natutunan sa trabaho, ‘yung dedication namin sa trabaho,” say ni Khalil. “’Yung patience namin sa isa’t isa, talagang na-test,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa serye sina Gil Cuerva, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Tonton Gutierrez, Carmi Martin, at Andrea del Rosario. (Dondon Sermino)