WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Legarda sa Rizal: Depensa vs climate palakasin

Sa paggunita ng Earth Hour, dapat umanong palakasin ng mga local government unit ng lalawigan ng Rizal ang kanilang determinasyon na makabuo ng mas matibay at matatag na mga komunidad, ayon kay Senadora Loren Legarda.

Sabi ni Legarda, dapat doblehin ng LGUs ang kanilang effort dahil pang-apat na ang Pilipinas sa Germanwatch’s Global Climate Risk Index 2021, na nagsaaad na bulnerable ang bansa sa kalamidad tulad ng bagyo, baha at heat wave.

Aniya, isa ang Rizal sa nakakaranas ng matinding pagbaha dulot ng malalakas na bagyo. “We have to effectively implement climate change adaptation, and mitigation and disaster risk reduction measures, to ensure that Rizal develops communities that are safer and more resilient to extreme weather events,” ani Legarda.

Hinimok din ni niya, may akda ng mga batas na may kinalaman sa climate adaptation at disaster resilience, ang mga kandidato na isama sa kanilang plataporma ang mga solusyon at implementasyon ng epektibong flood management, ecological solid waster management at localized early warning system.

“This is why we have to increase our understanding of disaster and climate science, impacts, and policy responses,” saad pa niya. (Dindo Matining)