WebClick Tracer

Problemado sa sakit: Willie walang kita, nagsisising lumayas sa GMA

Shocking para sa mga fan ng ‘Wowowin’ ang inanunsyo mismo ni Willie Revillame sa kanyang YouTube channel, tungkol sa estado ng kanyang kalusugan sa kasalukuyan.

Nalungkot, nag-alala ang mga masugid na taganga ng king of game show nang ibahagi niya sa kanyang programa na may possible stomach cancer siya.

Ayon kay Willie sa umpisa ng kanyang show, hindi na raw dapat siya lalabas muna ng live dahil kagagaling lang niya sa ospital at may clip pa ang kanyang tiyan dulot ng isinagawang test sa kanya.

Pero dahil nangako ito sa kanyang mga manonood na magla-live kaya kahit nakakaramdam ng kirot sa kanyang tiyan ay nag-show pa rin sya.

Kuwento niyo, may nakitang polyps sa kanyang tiyan na may sukat na 1 centimeter, na siyang ikinabahala ng TV host.

Nakita ang polyps sa executive check up niya noong Huwebes nang sumalang siya sa colonoscopy test, kung saan nakita nga ang nasabing bukol.

Bawat taon raw nagpapa-executive check up si Willie. Ang huli ay noong 2019.

Dati nang may polyps si Willie pero hindi naman ito cancerous. Ngayon lang sa pinaka-latest niya nakita ang posibleng cancer.

Patuloy pa ni Willie nagulat siya at nag-alala, pero pinilit nyang magpakatatag at maging kalmado.

Hindi magsu-show si Willie sa Lunes para alamin ang tunay na resulta ng kinuhang polyps sa kanyang tiyan.

Malalaman sa microscope exam kung ito ay cancer o hindi.

Pag nakitang cancer ito, sasalang na sa operasyon ang host at tatanggalin ang bukol sa kanyang tiyan.

Tatagal ng tatlo hanggang apat na linggo si Willie para sa kanyang pagpapagaling.

Kaya nga humihingi ng dasal ang komedyante sa mga manonood niya na ipagdasal na sana ay hindi cancer ang lumabas sa pagsusuri.

Sabi nga ni Willie, ganon pala ang pakiramdam nang malaman niya ang kanyang health condition. Nalungkot at nabahala sya nang husto.

Bukod dito, may prostrate enlargement na rin si Willie, na naiintindihan niya dahil 61 years old na siya.

Samantala, ibinalita rin ni Willie na wala pa rin silang commercial sa live streaming ng kanyang show sa YouTube at Facebook.

Tila nga nagkasabay-sabay ang alalahanin ng TV host sa ngayon, at sabi-sabing nagsisisi ito sa pag-alis niya sa GMA7, na siyang naglalagay ng biyaya sa kanyang banga.

Malaking kawalan kay Willie ang nahahakot nyang salapi sa ads na pumapasok sa GMA7, at wala pang katiyakan kung kailan ito sasalang sa Villar TV Network.

Mula sa libong piso na ipinamimigay ng host sa kanyang mga manonood, konti na lang ngayon.

Pinagdarasal namin ang paggaling ni Willie lalo at inspirasyon at marami rin syang napasaya, natulungan sa kanyang programa.

TELETABLOID

Follow Abante News on