WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Erich, Mateo kinasal na

Agad-agad kumalat ang photo (black and white/sepia) ng dalawang tao na nakaupo paharap sa altar, na ang babae ay naka-wedding gown, at ang lalake ay mistulang naka-barong.

Sabi-sabing sina Erich Gonzales at Mateo Lorenzo ang couple na `yon na kinasal nga.

Ang tinuturong source ng photo ay ang Instagram story ni Andres de Leon Lorenzo. Na noong tiningnan ko naman, hindi ko na makita ang photo na ito, bagkus ay photo mismo ng Instagram owner na naka-barong at mukhang nasa isang kasalan nga ang nasilip ko.

Anyway, February 19, 2022 unang lumabas ang chika na ikakasal na nga ang dalawa.

Naglabasan nga kasi sa Internet ang wedding bann nila sa St. James The Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.

Pero sa mga chikahan kay Erich, palaging tikom ang bibig niya. At hinding-hindi rin siya nagpapasilip ng ni katiting na ganap sa buhay niya sa kanyang mga social media account.

Masyado ngang pribado ang drama ni Erich pagdating sa kanyang relasyon. At sa mga presscon nga noon, palaging kabilin-bilinan na huwag magtanong ng tungkol sa buhay pag-ibig ng aktres.

Well, hindi naman na big deal kung ikasal, o kasal na sila. Unang-una, magdyowa naman talaga sila at magal na ang relasyon nila, di ba?

At lahat naman ng pumapasok sa isang relasyon, ang goal talaga ay maikasal sila, o maging mag-asawa sila.

Mas big deal siguro kung hindi nauwi sa kasal ang relasyon nina Erich at Mateo.

Anyway, habang sinusulat ito, abang-abang ang mga fan, netizen sa mga ipu-post ng mga photo ng mga dumalo sa kasal nina Erich-Mateo, tulad ng mga super close sa kanila na sina Marjorie, Julia, Claudia Barretto, o si Kris Aquino kaya, na super mahal na mahal si Erich.

Puro tawa naman ang sagot ng publicist ng Star Magic na si Thess Gubi sa tanong ko. Pero noong pinadala ko sa kanya ang photo ng kasal umano ni Erich kay Mateo, isang nakakaaliw na ‘Yun na! Hahahaha!’ ang reply uli niya.

Well!!! (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on