WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

P5K sabungero sa game fixing burado na, hindi totoo – Atong Ang

PINALAGAN ni gambling tycoon Charlie ‘Atong’ Ang ang alegasyon na kayang niyang ipabura o ipapatay ang isang sabungero na sangkot diumano sa game fixing sa halagang P5,000 lang.

Itinanggi ni Ang sa pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs committee kahapon na gagastos siya para magpapatay dahil nakatuon lang ang kanyang pansin sa negosyo.

Kasunod ito ng ‘pasabog’ umano ng testigong si Alvin Indon kaugnay sa imbestigasyon sa nawawalang 34 sabungero sa Maynila, Sta. Cruz, Laguna at Batangas simula noong 2021 hanggang Enero ng taong ito.

Sinabi ni Indon na narinig umano niya si ‘Dondon’ na kilalang tauhan ni Ang, habang tinatanong ang kanyang amo kung anong gagawin sa kanya matapos siya nitong paghinalaan ng game fixing.

Dagdag ni Indon, pinagbantaan pa umano siya ni Dondon na hindi siya bubuhayin ng grupo nila kung papalag at lalaban pa siya.

Nagkamali rin umano siya dahil binangga niya ang kanilang among si ‘Boss A’ na tumutukoy umano kay Ang.

Dagdag pa ni Indon na nakita rin umano niya ang ilan sa kanyang mga kapwa sabungero na inilalabas sa sabungan at pinamili kung ‘kaso o buhay’ ang nais nilang ma­ging parusa dahil sa ginawa nilang game fixing.

Itinanggi naman ni Indon na nagtyo-tyope sila bago magsimula ang laban sa sabong.

Samantala, sinabi ni Ang na alam niyang nagsasabwatan ang ilang e-sabong operator para pabagsakin ang kanyang negosyo.

May isang grupo aniya mula sa Tanay, Rizal ang kumita ng mil­yong piso sa pamamagitan ng pagtaya sa ibang manok sa halip na sa kanilang sariling manok. (Dindo Matining)