WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Virology Institute itatayo ni Ping

KUNG mahalal bilang pangulo sa Mayo, nangako si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na isa sa mga una niyang gagawin ay magpatayo siya ng Philippine Virology Science and Technology Institute na magiging sentro ng research and development na magiging depensa ng bansa laban sa COVID at sa mga posibleng mutations nito.

“Ipo-pursue ko ito dahil ito ang magliligtas sa atin. Hindi na tayo mag-import. Lalakasan natin ang research and development sa pamamagitan ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines,” ani Lacson na tumatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, sa naganap na kauna-una¬hang presidential debate ng Comelec.

“It is not a question kung handa o hindi handa ang Pilipinas. Dapat lagi tayong handa for the next pandemic, Deltacron man o maski anong variant, o bagong pandemic,” dagdag ng senador.

Noong Mayo 2020, naghain si Lacson ng panukalang batas na naglalayong itayo ang nasabing institusyon ngunit hindi ito naipasa sa Senado. (Dindo Matining)