WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Bebot pinaputukan sa kotse

Dedo ang isang babae matapos na ito ay tambangan at pagbabarilin sa loob ng kanyang minamanehong kotse sa Taytay, Rizal, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Taytay police ang biktima na si Lanie Ayo.

Batay sa inisyal na report, dakong alas-11:12 ng umaga ay nagmamaneho ang biktima ng kanyang kulay itim na Honda City at tinatahak ang Ortigas Avenue Extension pauwi sa kanyang bahay

Pagsapit sa Melendres Creekside, Brgy. Dolores ay bigla na lang itong pinagbabaril ng isang lalaki na nag-aabang sa tabi ng highway.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kalauna’y nasawi habang nasa loob ng kanyang sasakyan.
Mabilis namang tumakas ang suspek na umangkas sa isang naghihintay na motorsiklo na nakaparada sa gutter ng highway at minamaneho ng isang hindi pa natutukoy na suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin. (Ronilo Dagos)