WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Bebot na diabetic, high blood nagbigti

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 57-anyos na babae matapos magbigti dahil sa depresyon dulot na rin ng kanyang sakit kahapon ng umaga sa may San Andres Bukid, Maynila.

Ayon sa kapatid ng biktima, hiwalay na umano ang huli sa kanyang mister at may iniinda pang sakit na high blood at diabetes na naging dahilan ng kanyang depresyon.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, alas-10:50 ng umaga nang makita ito ng kanyang kapatid na nakabigti.

Huling nakitang buhay ang biktima alas-9:00 ng gabi matapos maghapunan.

Sobrang kalungkutan umano ng biktima nang iwanan ng asawa na sinabayan pa ng kanyang sakit ang nagtulak sa kanya para magpakamatay. (Juliet de Loza-Cudia)