WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

2 most wanted sa Nueva Ecija timbog

Dalawang most wanted person sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija ang kapwa naaresto sa magkasunod na operasyon ng pulisya noong Martes.

Sa ulat ni PLt. Col. Jackyll Bilibli sa tanggapan ni Mayor Nerivi Santos-Martinez, nakilala ang mga naaresto na sina Marvin Rayos de la Cruz, 30, binata, ng Brgy. Calipahan at si Brenn Cabahel Damacio, 29, ng Brgy. Burnay, kapwa sa Talavera.

Alas-2:30 ng hapon nang maaresto si De la Cruz sa Brgy. San Pascual, Talavera, batay sa arrest warrant na inisyu ng RTC, Branch 88, Sto. Domingo, Nueva Ecija sa kasong droga.

Nakatalang number 8 most wanted si De la Cruz sa Talavera.

Ika-4:30 naman ng hapon nang masakote si Damacio, na number 9 most wanted din sa Talavera.

Inisyu rin ng RTC, Branch 88, Sto. Domingo, Nueva Ecija ang warrant dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (5 and 11, Art. 2 of RA 9165). (Jojo De Guzman)