WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

2 chopper `ATAK’ mula Turkey lumapag na sa Pinas

PORMAL nang tinaggap kahapon ng Philippine Air Force ang dalawang units ng T-129 “ATAK” helicopters mula sa Turkey, na dumating hatinggabi sa Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga.

Ang dalawang T-129 kasama ang logistics ay isinakay sa dalawang A400M ng Turkish Air Force.

Anim na units ng T129 aircraft ang binili ng PAF mula sa Turkish Aerospace Industries kaugnay sa AFP Modernization Plan – Horizon 2.

“The PAF welcomes the arrival of two units of T129 ‘ATAK’ helicopters onboard the (Airbus) A-400M from Turkey at 30 minutes past midnight 09 March 2022,” sinabi ni Air Force spokesperson, Lt. Col. Maynard Mariano, sa mga mamamahayag.
“This new system will complement the several surface strike systems of the Air Force and will be another game-changer in support to the numerous missions of the AFP,” dagdag pa nito. (Kiko Cueto)