WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Sabog sa droga: Bebot pinutol ulo, etits ng ka-sex

Mala-black widow spider ang eksena ng isang babae matapos niyang pugutan ng ulo at putulin din ang ari ng kanyang katalik.

Kinilala ang suspek na si Taylor Schabusiness, isang 24-anyos na babae mula Wisconsin.

Nangyari umano ang insidente habang parehong lutang sa droga ang biktima at si Taylor sa isang sex session.
Doon umano kinatay ng suspek ang katawan ng biktima, inilagay ang ulo at ari ng lalaki sa isang balde, habang ang binti nito ay siniksik sa isang kaldero.

Hindi na pinangalanan ang biktima, ngunit base sa detalye na binigay ng mga imbestigador, isa itong 25-anyos na nakatira sa Green Bay, Wisconsin.

Naituro ang babae matapos malaman na ito ang huling nakasama ng biktima.

Nang puntahan ang bahay ni Taylor ay doon tumambad ang damit nitong may natuyong dugo.

Sa van naman nito nakita ang kaldero na may lamang binti ng biktima.

Nahaharap sa kasong first degree intentional homicide, third degree sexual assault at mutilating a corpse ang suspek. (RP)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on