WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Magbasa imbes na advance topic sa debate

Naniniwala ang batikang propesor na si Carlita Carlos na walang laman ang utak ng mga kandidatong nanghihingi ng advance topic sa mga debate.

Pahayag ito ni Carlos sa gitna ng hirit ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabigyan ng advance na impormasyon sa kung ano ang magiging format ng ikinakasang debate ng Commission on Elections (Comelec).

“For God’s sake, I have been teaching for 55 years, if you were my student, am I going to give you my final exam questions? Tell me,” ayon kay Carlos.

Una rito, sinabi ng Comelec na bibigyan na nila ng abiso ang presidential candidates ng general topics na tatalakayin sa debate.

Payo ni Carlos sa mga kandidato, magbasa ng international politics.

“You should know the regional configurations, you should know things about the domestic concerns,” pahayag ni Carlos.

“So why [ask what topics to be discussed]? You are not just selling ‘taho’ in the street for God’s sake,” dagdag ni Carlos.

Matatandaang tinanggihan ni Marcos ang lahat ng debate maliban na lamang sa inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on