WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Lacson binira kodigo sa debate

DAET, Camarines Norte — Hindi sang-ayon si presidential candidate Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa desisyon ng Commission on Election (Comelec) na magbigay ng advance topic sa mga kandidato para sa gagawing debate.

Ayon kay Lacson, kung magbigay ng mga advance na mga questionaire para ka na ring nagbigay ng leakage sa mga kandidato kaya mas mainam umanong mag-aral na lang silang mabuti bago ang aktuwal na pagsalang sa debate.

“Ayoko, para kang nagbigay ng leakage bakit ka pa nag-exam kung may leakage, dapat mag-aral sila,” sabi ni Lacson sa isang press conference.

“Your for running for top offical, mag-aral ka. Anong gagawin mo kapag naboto ka na, saka ka mag-aaral. Iharap mo ngayon sa tao ang kaya mong gawin,” dagdag pa niya.

Maging ang running mate ni Lacson na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ay hindi rin pabor sa desisyon ng Comelec.

“‘Yong mga nag-aaral pa lang ngayon dapat alam ng mga kababayan natin ‘yong nag-aral na ng 30 taon, pagtitiwalaan ko ‘yong nag-aral na,” giit naman ni Sotto.

“Isang malutong at may bagsak pa na ayoko,” diin pa niLacson.

Nauna nang nagpaliwanag si Comelec Spokesperson James Jimenez, ginawa ng komis¬yon ang hakbang para maging patas umano ang debate sa mga kandidato.

Tiniyak naman ni Jimenez na hindi sila magbibigay ng specific o tiyak na mga katanu¬ngan sa mga kandidatong kasali sa debate. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on