WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Utak sa pekeng litrato ng nawawalang mga sabungero tinutugis

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos sa Cybercrime Group ng PNP ang agarang pagtunton kung sino ang source ng mga maling impormasyon na ipinapakalat sa social media hinggil sa mga nawawalang sabungero.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang litrato ng mga nakahilerang bangkay ng lalaki na iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nakasaad sa post na ito umano ang ilang nawawalang sabungero na bangkay na nang mataguan sa isang lugar sa Tanay, Rizal.

Subalit sa pagsusuri ng PNP, lumalabas na ang nagkalat na litrato ay naganap sa isang insidente ng pananambang sa bayan ng Guindulungan sa lalawigan ng Maguindanao noong Pebrero 12, 2022.

Nasa 31 sabungero na ang nawawala matapos dukutin sa ibat-ibang cockpit arena sa Laguna at Maynila.

Tinututukan na ito ng PNP-CIDG, National Bureau of Investigation at dinidinig sa Senate hearing.(Edwin Balasa)