WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Soriano rarambol sa 12-Cock Derby

SALPUKAN ang mga tigasing breeder at sabungero sa magaganap na 12-Cock All-Star Invitational Derby na ikakasa ngayong araw.

Pa-derby ng Gapan Arayat ang nasabing event na host si Jun Soriano, may entry fee na P220,000 at wala namang minimum bet kaya largahan sa parada.

Ang format ng derby ay 6-Cock prelims at 6-Cock din ang finals na ilalarga naman bukas, (Miyerkoles), pinapayagan maglaban ng hennie o binabae.

Maliban sa pa-derby ng kilalang breeder na si Soriano ay sasali rin ito upang masubukan ang tikas ng kanyang mga pambatong manok laban sa ibang mga bigtime sabungero.

Nakaraang buwan lamang ay nagkampeon si Soriano sa 12-Stag All-Star Invitational Derby matapos umiskor ng 10 points, ngayon ay masusubukan naman ang kanyang cock na pambato.

Mapapanood ang lahat ng bakbakan sa WPC Online Sabong, inaasahang mga quality fight ang mapapanood kaya tiyak na masisiyahan ang mga sabungero sa kanilang paglilibang.

Samantala, naghahanda naman si Ka Rex Cayanong sa kanyang susunod na sasalihang malaking derby – ang Battle of the Big Boys, gamit nito ang entry name na Sabong On Air. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on