WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Hindi ako retokada – Sharon

Pinakita ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang then and now na pictures sa Instagram. ‘Yung picture niya noong bagets pa siya at ang picture niya ngayon.

Para patunayan na wala raw katotohanan ang ibinibintang o haka-haka ng iba na siya ay retokada or over the years, may pinabago naman talaga siya sa kanyang mukha.

In fairness, halos parehong-pareho pa rin nga ang features sa mukha niya noong 16 years old pa siya at ngayong 56 na.

Kaya sabi niya, “Opo! Walang retoke! Di nyo ba nakikita lines ko sa #fpjangprobinsyano?! Kainis nga eh! Pero thank you Mommy and Daddy for the genes! At si @draivee din mamamatay ako kung wala ang maintenance niya!”

Sa isang banda, kung kailan nag-announce two years ago si Sharon na pa-retire na siya sa showbiz, saka naman bumobongga ang career niya. Bukod nga sa FPJ Ang Probinsyano, may Hollywood movie pa siyang gagawin, ang “Concepcion”.

Bibida at the same time, magko-co-produce rin daw ito sa isang family drama na “The Mango Bride.” Isa itong Fil-Am movie adaptation ng critically acclaimed novel ni Marivi Soliven at ididirek naman ng Fil-Canadian na si Martin Edralin. (Rose Garcia)