WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Geoff, Maya ngayon ang kasal sa Alabang

(February 22) ang kasal ni Geoff Eigenmann sa kanyang longtime partner at ina ng tatlong anak na si Maya o si Angeline Mae Flores in real-life.

Nag-post sa Instagram si Maya ng video ng kanyang naging intimate bridal shower. Sey niya, “The best “I do” crew around. Thank you for last night loves.”

Hindi nakalagay kung kailan ang kasal, pero nalaman namin na ngayong Martes na nga ito at sa isang lugar raw sa Alabang.

Tatlo na ang anak ng dalawa kaya masasabing kasal na lang talaga ang kulang sa kanila. Matagal na rin silang engaged, pero dahil sa pandemic na rin kaya tila nadelay-delay ang wedding nila.

Si Maya na isang singer at dating miyembro ng Pan-Asia girl group na “Blush” ang naging girlfriend ni Geoff after ng relationship niya kay Carla Abellana noon. Kaya seven years na rin ang relasyon nina Geoff at Maya.

OA ng pa-farewell: James ‘di totoong sa US na titira

Wala pang latest posting or paramdam si James Reid ngayong nasa Los Angeles, U.S.A. na siya. May ibang Instagram post ng mga kasama niya sa pag-attend sa isang birthday party roon ng kaibigan.

Pero, ang huling balita pa rin ay ang naging Instagram post ng kanyang ama at tumatayong manager na si Malcolm Reid.

So, pinabulaanan nga ng Daddy/manager ni James na walang katotohanan ang balitang iiiwan na ng anak ang career sa Pilipinas at sa U.S. na makikipagsapalaran.

Sinabi nitong kaya lang pupunta ang anak sa LA ay para sa recording sessions nito at para na rin daw bisitahin ang kapatid na si Andrew.

Tinawag nitong basura at fake newsmakers ang nagsulat na sa U.S. na for good ang anak. “Anything else is basura—sorry to disappoint the fake newsmakers.”

Sa isang banda, parang hindi rin naman masisisi ni Mr. Reid kung may mga nagsulat na sa U.S. na ang anak dahil malamang na pinagbasehan lang din ang pa-farewell ng mga kapatid at ilang kaibigan kay James.

Eh, sa send-off party naman kasi na binigay nila kay Jake, parang for good na talaga itong mawawala, huh!

Ang OA lang ng farewell, ha!