WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

3 PH Air Force staff nalitson sa EDSA

NASUNOG sa loob mismo ng sasakyan ang tatlong miyembro ng Philippine Air Force nang bumangga sila sa concrete barrier ng EDSA busway sa Quezon City, ayon mismo sa report ng PAF.

May isa pang PAF member na sugatan at itinakbo sa ospital.

“The accident involved four (4) PAF personnel wherein three (3) were confirmed dead,” ayon sa pahayag ng PAF. “The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment,” dagdag nito

Ayon sa spot report mula sa QCPD, nangyari ang aksidente ng alas-1:59 Biyernes ng madaling-araw.

Nangyari ito sa EDSA Southbound sa kanto ng North Road, Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, QC.

Kinilala ang mga namatay na PAF personnel na sina Sabado Angelo, Aaron Tabarle, at Kyle Justine Velasco, kapwa may ranggo na Airman 1st Class. Sugatan naman si Airman 2nd Class Manuel Ognes.

Sa imbestigasyon minamaneho ni Ognes ang sasakyan nang tumama sa barrier habang pa-Ortigas.

Nahatak papalabas ng mga saksi ang driver pero nagliyab na ang sasakyan at naiwan ang tatlo sa loob.

Masusi ngayong iniimbestigahan ang kaso. (Kiko Cueto)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on