WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Tyson babad sa marijuana

KAISA si former undisputed heavyweight boxing champion Mike Tyson sa pabor na gawing legal ang cannabis o marijuana business sa Los Angeles.

Sa katunayan ay lantaran ang pagpabor niya dito dahil kita sa social media ang kanyang larawan na bitbit ang malaking supot ng damo.

Napaulat din na balak ni ‘Iron Mike’ na magbukas ng sarili niyang Cannabis shop.

Ang pangalan ng kanyang negosyo ay Tyson 2.0.

Napabalita rin na may isang suwerteng fan na na-meet and greet si Tyson at nabigyan pa ito ng pagkakataong ma-tour sa kanyang tindahan.

Kasama sa private tour ang ‘weed team’ ni Mike pati na rin ang cannabis expert na si Jesse Channon. (Aivan Episcope)