WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Pacman: Kandidatong tiklop sa debate, magnanakaw

Ang mga kandidatong tumangging makaharap ang mga kalaban sa debate ay senyales na sila ay walang kakayahan at hindi mapagkakatiwalaan, ayon kay presidential candidate Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

“Kapag ganyan na umiiwas sa mga face-to-face debate, dapat alam na ng taumbayan na hindi sila dapat pagkatiwalaan,” ani Pacquiao.

“Walang pinagkaiba ‘yan sa mga magnanakaw na ayaw magpa-polygraph test pero todo-tanggi sa kanilang ginawang krimen,” dagdagpa niya.

Ayon pa kay Pacquiao, hindi iiwasan ng mga kandidato ang face-to-face debate upang hindi lang umaasa ang publiko sa social media na maaring magmanipula ng kanilang desisyon sa eleksiyon.

Gayunpaman, igiinit ng boxin­g legend na hindi siya natatakot kahit sino pa ang kanyang makaharap sa debate. Mainam aniya itong lugar para maipaliwag niya ang kanyang programa sa taumbayan. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on