WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Sunggab agad sa aktor: Bea mas agresibo sa halikan kay Dominic

May pakilig si Bea Alonzo sa bagong upload niya sa kanyang YouTube account. Pinagbigyan na nito ang matagal nang nire-request sa kanya ng mga subscriber na interbyuhin si Dominic Roque.

Nabuking na mas seloso si Dominic sa kanilang dalawa. Pero ayon kay Bea, ang pinagseselosan daw ni Dom ay hindi tao o lalaki, kung hindi oras.

So meaning, may time na kulang ba ang oras ni Dominic kay Bea?

“Hindi kasi ako multi-tasker. So kapag may ginagawa ako, do’n lang ako, para ‘kong kabayo. Yun lang talaga ko.”

Pero inamin din ni Bea na selosa rin siya. Hindi rin daw sa tao, pero nagseselos daw siya kapag may ibang pinagsisilbihan si Dominic.

“Kasi feeling ko dapat ako lang, special dapat ako,” sey ni Bea.

Ang aliw, inamin nila na ang first kiss daw nila ay sa bahay ni Bea naganap. At si Bea ang nag-initiate.

“Hinatid niya kasi ako, eh, ang sakit ng paa ko no’n dahil maghapon akong naka-heels. Ang ginawa niya, minassage niya ang paa ko. Nakatayo na kami, kiniss ko siya. Parang nahiya pa siya, nagkatawanan kami.

“Pero after, kiniss na niya ko ng totoo. Oo na, ako ang unang nag-kiss! Hahaha!”

Ipinaliwanag din ni Bea kung bakit matagal bago nila isinapubliko na officially, sila na nga. Kahit daw sa mga closest friends nila, hindi rin pala ito agad sinabi ni Bea.

Ang dahilan, gusto rin daw niyang makasigurado na kaya niyang tayaan ang boyfriend.

Sey pa niya, “Actually, napapagod na ‘kong magkamali sa harap ng publiko. Kasi parang paulit-ulit akong nakikita ng mga tao na nai-in-love, tapos magbi-break. Masakit din na ‘yung mga tao, naba-bash ka. Masakit din na masabihan na maybe there’s something wrong with you kaya ‘di nag-work ang relationship.

“Ikaw pa ang mabi-blame.”

And it seems, posibleng kasalan na ang ending ng BeaDom talaga.”

Gonzaga ‘sinampal’ ni Kuya

Nabasa namin ang mga reaksiyon sa pagbabalik ng PBB na wala na si Toni Gonzaga bilang main host.

Ang daming natuwa sa paandar ng opening spiels daw ng PBB at feeling ng mga netizens, tila patama raw kay Toni ang naging spiels nila.

Pinuri rin si Bianca Gonzalez ng karamihang netizens na siyang main host na ngayon. Sey sa mga comments, “dasurv!” meaning, “deserve.”

Sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee at Bianca Gonzalez ang nag-opening spiels.

“Shuta parang sampal sa matigas na panga ni Toni yun opening statement ng PBB.”

“PBB can survive without La Traidora.”

“Yay! Will start watching PBB na. Wala ng basura.”

Sa kabila naman ng mga ganitong comment, marami pa rin ang talagang bilib sa hosting ng misis ni Direk Paul Soriano, at nagsasabi na hindi raw the same ang bahay ni Kuya without her.