WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Sen Go tuloy pagtulong sa mga nawalan ng kayod

Mas marami pang displaced workers ang natulungan ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa isa pang serye ng relief operations sa Aringay at Agoo, La Union kamakailan.

Istrikto namang ipinatupad ng grupo ang safety at health protocols laban sa COVID-19 habang namamahagi ng masks at mga pagkain sa may 194 displaced workers sa Municipal Hall ng Aringay at Eriguel Covered Court sa Agoo.

Ilang piling indibidwal rin ang napagkalooban ng grupo ng computer tablets upang makatulong sa blended learning activities ng kanilang mga anak.

Pinasalamatan rin naman ni Go ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pamamahagi ng livelihood support sa mga manggagawa sa ilalim ng kanilang Sustainable Livelihood Program, kung saan binibigyan sila ng puhunan at tinuturuang magnegosyo para magkaroon ng dagdag na kita para sa kanilang pamilya.

“Palaguin n’yo po ang inyong negosyo. Mas masarap po ang pakiramdam ‘pag pinaghirapan at pinagpawisan n’yo po ang inyong pagnenegosyo. Dalahin n’yo po ang inyong kita sa inyong mga pamilya at gamitin ito nang tama para makaahon po tayo sa paghihirap na pinagdadaanan natin ngayon,” ani Go, sa isang video message.

Kasabay nito, hinikayat rin naman ni Go, na siya ring chairperson ng Senate Committee on Health, ang mga taong may medical concerns upang bisitahin ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City kung saan mayroong Malasakit Center na makatutulong sa kanilang hospital bills.

Kinilala rin naman ni Go ang mga lokal na opisyal sa lugar sa walang sawang serbisyo sa kanilang mga mamamayan at pangunguna sa development ng kani-kanilang komunidad ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on