WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Jake panggulo kina Jodi, Zanjoe

Ano nga ba ang magiging papel ni Jake Ejercito sa ikalawang season ng “The Broken Marriage Vow”?

Binahagi ni Jake kamakailan sa Star Magic Inside News sa YouTube na kaabang-abang nga raw ang paglabas niya sa serye dahil tila madadamay siya sa mga titindi pang isyu sa pamilya ng mag-asawang Jill (Jodi Sta. Maria) at David Ilustre (Zanjoe Marudo).

Surprise pa raw kung ano talaga ang papel na gagampanan niya pero ibinahagi ng aktor na Gabby ang pangalan ng kanyang karakter.

“Feeling ko mas gugulo ‘yung kwento. Mas gugulo ‘yung buhay ng mga Ilustre dahil sa character ko,” sey ni Jake.

Aminado si Jake na kinabahan siya dahil alam niyang malaking proyekto ito. Siniguro rin daw niyang lagi siyang handa para sa mga eksena niya.

“It’s a very different show compared to ‘Marry Me, Marry You.’ Obviously the stakes here are higher, it’s more gripping… First few taping days kinakabahan ako kasi syempre si ate Jodi and kuya Z ang gagaling, pati si Zaijian. Talagang you’re forced to bring your A game and it’s a big show,” sabi ni Jake.

Nakapasok si Jake sa kalagitnaan na ng lock-in taping ng show sa Baguio kaya isa rin ‘yun sa mga naging adjustment niya habang ginagawa ang serye.

“It’s a different experience kasi one, out of town kami. Nasa Baguio kami unlike ‘Marry Me, Marry You’ na malapit lang kami dito. It’s also different kasi I came in in the middle of the cycle na eh. They were already in Baguio for a month and I only entered for the last three or so weeks,” sabi niya.

Nakaka-excite mapanood kung anong gulo ang dala ni Jake sa serye dahil sa kasalukuyang pangyayari sa kwento, kinumpronta na ni Jill si David tungkol sa pambababae nito ngunit itinanggi ito ni David. (Dondon Sermino)