WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Maynilad perwisyo sa halos 1M suki

Inamin ng Maynilad Water Services Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan na 17% ng mga customer o mahigit isang milyong katao ang pinuperwisyo sa kawalan ng tubig simula pa noong Disyembre.

Sabi ni Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo, 260,000 customers o mga pamilya ang apek¬tado ng “rotational supply interruption” dahil nabawasan ang produksyon sa Putatan treatment plant nito.

Pinagpapaliwanag na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang Maynilad noon pang Enero dahil sa palpak nitong serbisyo.

Pinuna na ni Senator Grace Poe ang serbisyo ng Maynilad at sinabihan itong nakasaad sa revised concession agreement na maa¬ring ibasura ang kasunduan kung hindi ito makapagbigay ng 24 oras na tubig sa tamang pressure ng tuloy tuloy ng 15 araw.

Ayon sa MWSS RO, 300 milyong litrong tubig araw-araw ang nadagdag na sa suplay ng Maynilad mula sa Putatan water treatment plant nito noong second quarter ng 2021 base sa isinumite nitong plano.

Sabi ni Rufo, dinagdagan na nito ang mga water tanker na magdadala ng tubig sa mga tao para magdala sa 260,000 nitong customers. (Eileen Mencias)