WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
OPINION

Debate ng mga kandidato, dapat ba o hindi?

Palagi nang ina-abangan sa tuwing magdaraos ng halalan sa bansa ang debate ng mga kandidato mga Kabalitaktakan.

Dito kasi maririnig ng mamamayan ang sagot o tugon ng mga kandidato sa mga naglalakihang isyu o problema na kinakaharap o posibleng kaharapin ng bansa.

Para sa mga “eksperto” mga Kabalitaktakan…maituturing nang bahagi ng proseso sa pagpili ng iboboto ang pagsalang sa debate lalu na sa mga kandidato sa pagka-presidente.

Paniwala rin ng marami na isang paraan ang debate para makilatis ng husto ng mga netizen ang katangian at maging ang personalidad ng isang partikular na kandidato.

Naniniwala rin ang ilang “political analyst” na malaking bagay ang debate para makumpirma ng mamamayan kung totoo o tama ba ang kuwalipikasyong idinetalye ng isang kandidato sa mga pulyeto o ipinapakalat nito sa social media o soc-med.

Batayan din ng ibang botante ang debate para makita ang tunay na karakter ng isang kandidato lalu na kapag nasabak sa matitinding sitwasyon o katanungan mga Kabalitaktakan.

Nitong mga nakalipas na araw, naging laman ng balita, nag-viral sa soc-med at naging tampok ng mga talakayan ang hindi pagsipot ng isang kandidato sa itinakdang panayam.

Magkaka-iba ang naging opinyon ng mga eksperto, mga observer at maging ng mga ordinaryong mamamayan hinggil sa naturang pangyayari.

Lalu pang “uminit” ang isyu nang ipahayag ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagdesisyon itong wag dumalo sa interview dahil sa pagiging “bias” anila ng veteran at multi-awarded journalist na si Jessica Soho.

Nagtaasan naman ang kilay ng netizen nang pumayag at matuloy ang panayam ni Boy Abunda kay BBM na inere ng ABS-CBN at sa ibat-ibang platform nito.

Hindi pa man humuhupa ang isyung ito nang muling ma-“bokya” ang isa na namang itinakdang panayam kay BBM ng DzBB AM Radio station.

Kawalan ng ma-ayos o mahinang signal sa kanilang lugar na kinaroroonan naman ang idinahilan ng kampo ni BBM sa kabiguang ma-interview mga Kabalitaktakan.

May mga nagsabi na kung sa interview ay maraming katwiran o dahilan si BBM para hindi dumalo…mas lalu na sa debate.

Tanong tuloy ng ilang kababayan natin mga Kabalitaktakan na paano pamumunuan ni BBM ang buong bansa kung sa panayam pa lamang ay marami nang idinadahilan.

Resbak naman ng mga kapanalig ng dating senador na karapatan ni BBM na tumanggi sa isang panayam o interview lalu na’t kung sa palagay niya’y “bias” ang magsasagawa nito.

Anila…mukhang maganda pa nga ang idinulot ng hindi pagsipot nI BBM sa interview ni Ms Soho dahil mas pinag-usapan ito kumpara sa pagdalo ng iba pang kandidato sa pagka-pangulo.

Para sa akin mga Kabalitaktakan, dapat lang na magdaos ng debate para sa mga kandidato lalu na sa pagka-presidente at bise presidente.

Dahil tulad ng pahayag ng ilang mga “eksperto” at “political analyst”…naniniwala ako na isang paraan ang debate at mga panayam para makilatis ng netizen ang mga kandidato.

Isa ring magandang hakbang ang debate para masuri ng mamamayan lalu na ng mga botante ang plataporma at programa ng mga nag-aasam na maluklok sa pinaka-mataas na puwesto sa pamahalaan.

Bagamat sang-ayon ako mga Kabalitaktakan na karapatan din ng mga kandidato na tumanggi sa panayam o debate…

naniniwala ang inyong lingkod na malaking kawalan sa sinumang kandidato ang hindi pagdalo sa ganitong uri ng “event”.

Hanggang dito na lang mga Kabalitaktakan. Staysafe and GOD Bless, yun oh🧔

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on