WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Bisor ninenok koleksyon ng LBC

PINAGHAHANAP ng Cavite Police ang supervisor ng isang branch ng LBC matapos nitong itakbo ang halos kalahating milyon na koleksiyon ng kumpanya sa Trece Martires City, Cavite Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Andrew Laureto de Jesus, 42, LBC Team Head, ng Silang, Cavite dahil sa reklamo ni Teodoro Ambrad Anciano IV, 38, Delivery Manager Cavite hubs.

Sa ulat ni PSSgt Rodolfo Reyes ng Trece Martires City Police Station, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:00 Linggo ng umaga hanggang ala-1:00 Lunes ng hapon sa tanggapan nila sa Cavite 3 LBC Hub 3609 Governor’s Drive, Brgy Cabuco, Trece Martires City.

Sa reklamo ni Anciano IV, ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang napunang nawawala ang P488,608.00 na koleksiyon ng kumpanya na nakatakda sanang i-deposit.

Tinawagan nila si De Jesus sa cellphone subalit hindi na siya makontak, deactivated na lahat ng kanyang social media accounts at wala sa binigay na address. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on