WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga volunteer hanap para hawaan ng COVID

Naghahanap ang isang unibersidad sa United Kingdom ng mga indibiduwal na papayag maging volunteer para sadyaing mahawa ng coronavirus bilang bahagi ng medical trial na layong makagawa ng epektibong bakuna kontra COVID-19.

Target ng mga mananaliksik ng University of Oxford na makakuha ng mga volunteer para sa kanilang `human challenge trial’ kaugnay ng paghahanap ng mabisang bakuna laban sa coronavirus.

Nagsimula ang medical trial noon pang Abril 2021 sadyang hinahawaan ng sakit ang isang indibiduwal para malaman kung ano ang mga epekto sa kanya kapag tinamaan ng infection.

Isinagawa ang medical trial dahil na rin sa pagsulpot ng mga bagong COVID variant kung kaya’t kinakailangan din umanong mas pagbutihin pa ang paggawa ng bakuna laban sa virus.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on