WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

496 pulis gumaling sa coronavirus

Pumalo sa 45,613 ang kabuuang bilang ng mga pulis na gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ito ng 496 na panibagong nakarekober sa naturang sakit, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Base sa datos ng PNP, kabuuang 47,782 pulis ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus mula nang sumiklab ang pandemya sa bansa.

Nakapagtala naman ng 218 bagong dinapuan ng virus kung kaya’t umakyat sa 2,043 ang mga aktibong kaso nito sa PNP. Subalit mas mababa ito kumpara sa naitala noong Miyerkoles na 2,321 aktibong kaso.

Nanatili sa 126 ang bilang ng mga pulis na nasawi sa virus.

Iniulat din ng PNP na 96.75 porsiyento na o 217,875 pulis mula sa mahigit 225,000 PNP personnel ang ganap nang bakunado kontra COVID habang 2.82 porsiyento o 6,360 ang hindi pa nakakatanggap ng pangalawang dose ng bakuna.

Nasa 79,965 pulis ang nabigyan na rin ng booster habang 960 ang wala pang bakuna.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on