WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Survival

GOOD day mga ka-depensa. Positibo pa rin ang pananaw ng ating mga kababayan sa tuluyang pagbaba ng COVID Omicron cases sa bansa.

Malakas ang hawaan, parang trangkaso ang dating kaya doble ingat talaga. Doblehin natin magmula sa mask, vitamins at exercise.

***

Sa usapang Japan B.League, naalarma ang mga netizen sa pagbaba ng laro ni Kobe Paras at hindi pag-renew ng kontrata ni Juan Gomez De Liano. Ang kadalasang tanong ng mga millenial netizens ay playing time.

Paano ba lumalaki o bumababa ang oras ng player?

Kadalasan, discretion lahat ng head coach iyan. Binabase ng coach una sa productivity ng player sa laro tulad ng consistent scorer, gumagawa siya ng double digit sa scoring, pumapasa 3-4 assists per game at kumukuha ng 5-8 rebounds.

May panahon na hindi nagtatama si player, tinitignan din ng head coach kung ano ang kaya mong iambag maliban sa opensa. Kaya kailangan matibay sa depensa, kaya mong gumwardiya ng walang tulong.

Malaking bagay din ang hustle plays ng isang manlalaro kung gusto mong ma-impress sa iyo ang coach mo.

At siyempre attitude. Sa tamang pag-uugali ng player (sa loob o labas ng court) nakikita ng coach ang body language ni player, lalo na kapag hindi maganda ang inilalaro nito. Nagdadabog ba si player kapag inilalabas siya sa game?

Maganda ba ang work ethic ng player sa practice? Nag-eextra training ba si player?

Lahat iyan ikinukunsidera ng mga coach at management sa pagbibigay ng kontrata sa player at diyan nakasalalay ang napakahiwagang playing time.

Walang entitlement sa laro, lahat ito ay merit system, kung minsan meron pang tinatawag na seniority. You earn your playing time, iyan lagi ang motto ng mga dayuhang coach na nakatrabaho ko nung panahon.

Kaya sa mga netizen natin, meron na kayong guide o tip kung bakit ang player nalalagay sa ganitong sitwasyon.

***

Happy birthday Mama Betty sa January 27 at kay Mommy Lou sa January 29.