WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Boy ‘di bet sumawsaw sa debate ng mga politiko

Overwhelmed si King of Talk Boy Abunda na nagsimula nang mapanood ng mga Pilipino ang pinaghandaan niyang “The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda” noong Enero 24 sa YouTube channel niya at sa Kapamilya Channel sa cable.

Sa YouTube video, ibinahagi ni Tito Boy kung paano nagsimula ang “pangarap” niyang one-on-one interview kasama ang mga presidential candidate noong nakaraang taon. Naudyok daw siya ng pagkahilig niyang manood ng US presidential debates pati na ng interviews ng American journalist na si Barbara Walters.

“Hindi ko binitawan ang interviews na ‘yun ni Barbara Walters. So I knew in my heart that I wanted to do interviews with presidential candidates, I just didn’t know how I was going to do it. So I dribbled this concept in my mind for a long, long time,” kwento ni Tito Boy.

Nang tanungin naman daw siya ng mga kaibigan niya kung gusto niyang mag-moderate ng debate, mas magandang ang mga mamamahayag na lang daw ang gumawa nito dahil “challenging” daw sa kanya ang naturang format.

“Sabi ko nga, ‘I’d leave it to journalists.’ Wala naman akong ilusyon na ako’y journalist. I’m an interviewer. I don’t know if people would understand that, but in so far as I am concerned, I am an inquisitor. I interview people, I ask questions,” pagbabahagi ni Tito Boy.

“Sa kaiisip ko, sa kakokonsulta, sa kapapanood, I was allowing myself to be inspired, to be empowered by the materials that I was watching,” dagdag niya.

Kinuwento rin ni Boy kung paano siya tinulungan ng kanyang kapatid at mga kaibigan para matuloy ang isang linggong interview special. Walang patumpik-tumpik daw na nag-oo ang mga ito para tulungan sya sa production, hanggang sa pagkain, sa furniture, at sa venue na gagamitin.

Puro pasasalamat ang ibinigay ni Tito Boy sa mga kaibigan niya, kabilang na sa ABS-CBN COO of broadcast na si Cory Vidanes. Lumapit daw siya rito dahil kinailangan niya ng partner na maipapalabas ito sa TV.

“So I had this conversation with my boss and my friend, Cory Vidanes, CVV as she’s called sa ABS-CBN. Naikwento ko ang konsepto, naikwento ko ang aking plano. Sabi ni Cory, ‘It’s a very good idea. Let’s do it.’ And that is the reason why my YouTube channel, The Boy Abunda Talk Channel, is presenting this with the Kapamilya Channel. Kaibigang Cory Vidanes, maraming salamat sa iyong paniniwala. Thank you,” sabi ni Boy.

Excited na si Tito Boy na mapanood ito ng kanyang mga kababayan, at pinasalamatan din niya ang mga Pilipinong tututok sa interview special.

“Sabi nga nila, thank you is a most powerful phrase. It is a line that you say in the presence of God. From the bottom of my heart, I say thank you. Mabuhay po kayo, God bless you. Mabuhay po ang Pilipinas.”Lumabas ang interview ni Tito Boy kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson noong Jan. 24, si  dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. naman ay noong Enero 25,si  Vice President Leni Robredo ay ngayong Enero 26, kay Manila Mayor Isko Moreno ay Enero 27, at si Sen. Manny Pacquiao ay Enero 28 sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube (6PM). Mayroon ding presidential interview special sa darating na Enero 30 at Pebrero 6, Linggo, 11PM sa Kapamilya Channel kaya pakaabangan iyan. (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on