WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Santiago, Saitama hinagupit Kurobe

MAY mahalagang ambag na 10 points sa likod ng 6 attacks at tig-2 blocks at aces si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago upang mawalis ng Saitama Ageo Medics ang Kurobe Aqua Fairies, 25-14 26-24, 25-12, sa 55th Japan V.League 2021-22 regular round game sa Saiden Chemical Arena sa Saitama City, Saitama Prefecture Linggo ng hapon.

Ang back-to-back wins ng Pinay import at kampo kasama ang noong Sabado sa nasabi ring karibal ang nag-angat pa sa talaan sa kanila sa 10-6 win-loss para sa panlimang puwesto ng 12-team league, at itulak ang biktima sa pangalawa sa kulelat sa 2-14.

Nanguna para sa Ageo si Mami Uchiseto na umiskor ng 17 points. Bakas si Yuka Sato ng 15 markers.

Sunod sa daan ng Ageo Medics ang nasa pangsiyam na may 4-12 na Victorina Himeji sa Enero 29 at 30. (Janiel Abby Toralba)