WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga guro, estudyante proteksiyunan kontra coronavirus

Itaguyod ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral. Ito ang panawagan ni Senador Win Gatchalian kasunod ng muling pagpataw ng alert level 3 sa Metro Manila dahil sa tumataas na kaso ng Omicron variant.

Ayon sa senador, bagama’t hindi pinahihintulutan sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 ang face-to-face classes sa basic education, nananatili ang panganib sa mga guro at mag-aaral lalo na’t patuloy na kumakalat ang nakakahawang Omicron variant.

Mungkahi pa ni Gatchalian, dapat magsagawa ng regular na COVID-19 testing sa mga guro, lalo na’t patuloy silang nagtatrabaho sa kabila ng pagsuspinde sa face-to-face class.

Para maprotektahan naman ang mga mag-aaral, dapat aniyang paigtingin ng pamahalaan ang pagbabakuna ng kabataang may edad na 12 hanggang 17. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on