Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2022 National Championships: Galedo pinadyak ginto sa Tagaytay

0 77

IPINAKITA ni veteran rider Mark John Galedo na matibay pa ang kanyang mga binti matapos manalo sa Individual Time Trial (ITT) race sa Day 2 ng PhilCycling National Championships for Road 2022 nitong Miyerkoles sa Tagaytay City.

Inirehistro ni 37-year-old Galedo ang 52 minutes at 43.10 seconds para sikwatin ang gold medaal sa men’s ITT na binaybay ang 30kms mula Nasugbu hanggang sa Praying Hands Monument sa Tagaytay.

Dahil sa ipinakitang gilas ng pambato ng 7-Eleven Roadbike Philippines na si Galedo, bumilib ang kanyang mga tagahanga dahil naungusan niya ang mga batang tigasing siklista sa Pilipinas.

Si Galedo ay dating Southeast Asian Games winner at marami na itong napanalunan sa domestic tour competitions.

“I prepared hard because these are the National Championships,” ani Galedo. “I still feel them in my legs and I’ll go on riding.”

Sumegundo at tumersero sina Philippine Navy-Standard Insurance riders Ronald Oranza at Jhon Mark Camingao.

Samantala, nagwagi naman si former SEA Games Queen Jermyn Prado sa 20kms women’s ITT matapos ilista ang 39 minutes at 14.20 seconds. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.