Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2022 FINIS Swimming Visayas leg kakampay

0 98

PATULOY pa rin ang pagpapatala via online para sa Visayas leg ng 2022 FINIS Short Course Swimming Competition na nakatakda sa Hunyo 25-26 sa University of Saint La Salle swimming pool sa Bacolod City.

Sinabi ng organizing head at FINIS Managing Director coach Vince Garcia, lahat ng nagnanais na lumahok na indibidwal, school teams, clubs at organization ay tinatanggap na makiisa sa torneo na bahagi ng malawakang programa ng FINIS para sa pagpapaunlad ng sports sa grassroots level.

“Online registration is still open thru Raceyaya.com. We have a successful Manila leg last March, hopefully the Visayas leg will steer surprises as Bacolod is known as swimming hub in the region,” pahayag ni Garcia, isang kompetitibong triathlete.

Pinaalalahanan din ni Garcia ang mga opisyal at coaches na isama sa aplikasyon ng mga atleta ang mahahalagang impormasyon tulad ng seeding time at ipadala sa leigh_sanchez07@yahoo.com at renolddutchilla_1877@yahoo.com pdinisenyo ng grupo ni Garcia, nakalaan din sa podium finishers ang mahalagang puntos na magara sa tamang disposisyon.

“Swimmers who participated in Manila leg can still join the competition. May chance silang makakuha ng dagdag na puntos to earn a slot for the National Finals which is tentatively set in September,” sambit ni Garcia.

“Puwede pa ring sumali sa kompetisyon ang mga swimmers na sumali sa Manila leg. May chance silang makakuha ng dagdag na puntos na makakuha ng slot para sa National Finals na pansamantalang nakatakda sa Setyembre,” ani Garcia. (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.