Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2022 eleksiyon mas maraming basurang iniwan

0 75

Mas marami umanong basura mula sa campaign materials ang mahahakot sa Metro Manila ngayong 2022 elections, kumpara noong halalan ng 2019.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, mula noong May 7, nakakuha na sila ng 180.7 na tonelada ng basura sa National Capital Region, at patuloy pa rin ang paghahakot nila hanggang sa susunod na linggo.

Noong 2019 midterm elections, nasa 200 tonelada ang nakolektang campaign materials.
Karamihan sa mga nahakot ngayong taon at mga tarpaulin, pero nabawasan na umano ang mga paraphernalia na gawa sa papel.

Dadalhin ang mga basura sa solid waste granulator ng MMDA sa Tondo, Maynila para gawing bricks o hollow blocks.

Nanawagan naman ang ahensya at ang EcoWaste Coalition sa mga kandidato na magkusa na at pangunahan ang pagbabaklas ng mga ikinabit na campaign materials.

Kaugnay nito ay umapela si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units (LGUs) at mga kandidato ang lahat ng campaign waste materials sa kanilang nasasakupan sa loob ng tatlong araw.

“Clean-up of election litter is the first order of business after the polls. Aside from incumbent LGU officials, we urge all candidates, winners and non-winners alike, to take it upon themselves to lead in the removal of their campaign materials,” pahayag ni Año.

Sa kanyang paabiso sa mga local chief executives (LCEs), hinikayat niya ang mga ito na i-dispose ng tama ang mga election propaganda materials, alinsunod sa environmental laws at local ordinances at regulations laban sa illegal dumping, open burning, at littering.

Hinihikayat din niya ang paggamit ng barangay at LGU material recovery facilities para mangolekta at mag-restore ng mga reusable materials gayundin sa pagbuo ng mga makabago at ligtas na estratehiya sa pag-recycle o pag-upcycle ng reusable campaign waste materials.

“Impose the responsibility to the organizers of political activities, to ensure that waste generated by their activities, and their attendees will be properly managed and disposed of,” ayon pa kay Año.

“Hinihimok din po natin ang ating mga kababayan na makiisa sa clean up drive ng kanilang LGUs at barangay. We have done our part in exercising our right to vote. Let’s continue to participate in governance through our simple ways of cleaning up our neighborhood from election litter,” anang kalihim.

Binigyang-diin pa ni Año na may masamang epekto sa public health at environment ang maling disposal sa mga campaign propaganda na gawa sa plastics at iba pang non-biodegradable materials.(Damien Horatio Catada/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.